TSINEK tuloy namin ang Instagram (IG) ni Matteo Guidicelli to check kung totoo ang sinasabi ng marami na walang post ang asawa ni Sarah Geronimo na sumusuporta sa ipinaglalaban ng ABS-CBN na franchise renewal.

sarah and matteo

Granted daw na hindi na ABS-CBN talent si Matteo, pero matagal siyang naging talent ng Kapamilya Network at ini-expect na sana nagpakita siya ng suporta. Pero, wala nga siyang pinost na suporta sa ABS-CBN daw ito sa DDS siya o supporter ni President Rodrigo Duterte.

In fact, si Matteo rin ang sinisisi ng ibang Kapamilya fans kung bakit hindi rin kinakitaan ng suporta sa ABS-CBN si Sarah. Gaya ni Matteo, Viva talent din si Sarah, pero sa ABS-CBN siya lumalabas at napapanood. Nag-expect ang fans na nagpakita siya ng suporta sa kanyang home network sa pamamagitan nang pagpo-post ng prayers, open letters at iba pang paraan na pagpapakita ng suporta.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

-Nitz Miralles