Ikinalungkot ng Malacañang ang biglaang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa nitong weekend ngunit sinabi ng gobyerno na wala itong magawa kundi ang luwagan ang quarantine measures upang pasiglahin ang ekonomiya.

Ginawa ni presidential spokesman Harry Roque ang pahayag umabot ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa sa 44,254 nitong Linggo at sinabi ng Department of Health (DOH) na ito ay maaaring dulot ng pinaluwag quarantine protocols na nagpahintulot sa publiko na higit na makapagsalamuha.

Sa kanyang pulong balitaan nitong Lunes, inamin ni Roque na marami marahil ang nasorpresa sa iniulat na bilang ngunit sinabi na hindi dapat panghinaan ang mamamayan para labanan ang pandemya.

“Marami pong kinabahan sa naging ulat na ito na maging kami ay nalungkot nang una naming narinig ito. Ngunit hindi po tayo dapat panghinaan ng loob. Tuloy po ang laban,” aniya.

Ayon kay to Roque, ang positivity rate ng COVID-19 cases sa bansa ay nasa 7.3 porsiyento at pasok pa rin sa benchmark ng World Health Organization (WHO).

National

US military assets, ‘di aalisin sa Pinas para sa giyera sa Middle East—AFP

“Kaya naniniwala po tayo na malalampasan po natin ito,” aniya.

No choice

Gayunman, sinabi ni Roque na no choice ang gobyerno kundi buksan ang ekonomiya matapos ang tatlong buwang lockdown sa kabila ng tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 cases.

“Tingin ko po wala naman tayong alternatibo kundi magbukas talaga ng ekonomiyay,” aniya.

“Kung hindi pa natin mabubuksan, eh baka mamaya, buhay nga tayo, mamamatay naman tayo dahil wala tayong hanapbuhay. Tinitignan natin yung balanse,” dagdag niya.

Sa kabila ng pangangailangan na buksan ang ekonomiya, sinabi ni Roque na ang Metro Manila, na ngayon ay nasa general community quarantine (GCQ), ay maaari pa ring ibalik sa enhanced community quarantine (ECQ) kapag lumala ang sitwasyon.

“Hindi ko naman sinasabi ‘yan dahil kung lumala talaga, wala po tayong alternatibo,” aniya.

Pinaalalahanan ni Roque ang publiko na sundin ang quarantine protocols, i-observe ang social distancing at panatihin ang minimum health standards at tamang hygiene gaya ng pagsuot ng face masks at tamang paghugas ng kamay.

Hindi puno

Samantala, pinasinungalingan ni Roque ang mga ula na naabot na ng mga ospita sa Metro Manila ang kanilang full capacity at hindi na tumatanggap ng COVID-19 patients.

“Yung mga kumakalat na fake news na ubos na raw po ang mga hospital beds ng ating mga hospital, hindi po ‘yan totoo e,” aniya.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS