Nasa kritikal na kalagayan ang isang Chinese national matapos pagtatagain ng hindi pa nakikilalang lalakinhabang naglalakad sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Isinugod sa Tondo Medical Center si Edison Tang, nasa hustong gulang, dahil sa malalim na mga sugat sa kanyang kaliwang kamay.
Ayon sa report, bandang 1:30 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa Don Basilio Boulevard, Barangay Dulong Duhat, Malabon City sa tulay na nag-uugnay sa Barangay Dampalit.
Nakita ng isang residente si Tang na papatawid ito ng tulay at nakasalubong ang isang lalaki na may dalang itak na nagwika pa ng “T….. ina mong intsik ka , gumagala ka pa dito sa lugar namin” saka pinagtataga ang biktima.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Sub-Station 7 ng Malabon Police para matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
-Orly L. Barcala