SA panahon ng krisis, asahan ang pagkalinga ng Chevron companies.
Sa kasalukuyang sitwasyon, nagkaloob ang Chevron Philippines Inc. (Caltex), marketer of the Caltex brand of fuels and lubricants, ng kabuuang P1 milyon para sa trasportasyon at equipment na kinakialngan ng mga health workers at ibang pang frontliners na nagsasagawa ng kanilang tungkulin para maabatan ang pandemic na COVID-19.
Nagbigay din ang Chevron Holdings Inc. (CHI), ng P500,000 sa Philippine General Hospital Medical Foundation Inc. (PGHMFI) upang magamit sa pagbili ng kinakailangang medical supplies and personal protective equipment. Ang PGH ay isa sa tatlong ospital na inatasan ng pamahalaan na tumanggap ng mga pasyente na may COVID-19.
Nakipagtambalan din ang Caltex sa JAC Liner, isa sa pinakamalaking bus companies sa bansa, para magkaloob ng libreng gasoline na umabot sa P250,000 para sa apat na shuttle buses na ginagamit ng frontliners and health workers mula sa Paranaque Integrated Terminal hanggang Alabang, Ortigas at Shaw Boulevard.
Na g l a a n di n a n g Ca l t e x Mak a t i Cr edi t Co ope r a t ive , pinangangasiwaan ng mga empleyado ng Caltex, ng P25,000 sa Kaya Natin! Foundation para masustinahan ang pangangailangan ng volunteers sa kanilang biyahe patungo sa pinaglilingkurang ospital.
Nakipagtambalan din ang Caltex sa Grab Philippines para sa programang GrabBayanihan kung saan naglaan ang Caltex ng P300 gas voucher parea sa Grab volunteer driver-partners sa kabuuan ng ipinapatupad na ‘enhanced quarantine’.
“Caltex is one with the Philippine nation and our frontliners and health workers in battling this global pandemic. We are actively responding to the COVID-19 outbreak and while we continue to closely monitor our operating environment, we are also supporting PGH, JAC Liner, Kaya Natin! Foundation, and Grab Philippines in their mission to help curtail this virus. We hope this crisis will soon be over and that everyone stays safe,” pahayag ni CPI Country Chairman Louie Zhang.
Nananatili namang bukas ang mga istasyon ng Caltex sa buong Luzon upang mapagsilbihan ang ating mga kababayan, higit yaong bumibiyahe at nagdadala ng mga supply, gamit, pagkain at iba pang pangangailangan ng ating mga kababayan habang nanatili ang lahat sa kanilang mga tahanan.
Sa mga nagnanais na maikiisa at tumulong, makipag-ugnayan sa PGH at Kaya Natin Foundation.
How to help our COVID-19 frontliners
Our health workers stayed at work for us. We can help them while we are staying at home. Through our donation ...