SA gitna ng kinakaharap na krisis, walang pagatubili ang De La Salle University management na gamitin ang training facility ng Green Archers at St. Benilde Blazers, kabilang ang Razon Sports Complex para gamitin sa isinasagawang ‘enhanced community quarantine’ ng pamahalaan.

Binuksan ng La Salle ang naturang pasilidad upang pansamantalang kalingain ang mga mga walang tahanan at tinaguriang ‘batang grasa’ na tinutulungan ng Arnold Janssen Kalinga Center (AJ Kalinga).

“The AJ Kalinga Center is serving the homeless regularly. Their main ministry is providing food and free showers for the homeless. But now that we are on quarantine, they are looking for shelters for them. They worked with several schools to give them a safe space during the community quarantine,” pahayag ni La Salle’s Vice President for Lasallian Mission Fritzie De Vera.

Nitong Lunes, umabot na sa 79 katao ang nanunuluyan sa Razon Sports Complex, habang may 80 sa covered courts ng CSB. Bukod sa dalawang unibersidad, nakiisa rin ang St. Scholastica College in Manila sa naturang adhikain.

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Upang maustinahan ang pangangailangan ng mga hikahos na kababayan, himihinge ng tulong at suporta ang pamantasan ng donasyon na kagamitan ang pagkain.

“We are requesting for donations in kind or in cash. For donations in kind, we would appreciate cooked meals for them. The center is also providing meals which they get from the cash donations. We provide three meals a day,” sambit ni De Vera.

Hindi naman nabigo ang pamunuan sa ibinigay na tulong ng Chooks-to-Go na mattresses at protective gear, gayundin ang 50 packs ng manok, habang nagbigay ng mga bitmani ang mga estudyante ng unibersidad.

Sa kaslaukuyan, kulang pa ang pangangailangan sa unan, lutuan, kape, medisina, tuwalya at mga bdamit para sa kababaihan at mga bata.

Sa mga nagnanais na maghatid ng tulong, malipag-ugnayan sa 1) AJ KALINGA FOUNDATION INC. ASIA UNITED BANK PESO SAVINGS ACCOUNT NO. 082-11-000496-2, 2) PayPal info@ajkalingafoundation. org at 3) BPI (Congressional Rd Branch) Savings Account No. 1959-3450-46.