LINGAYEN – Matapos na makumpirma nitong Lunes ng gabi ang tatlong COVID-19 positive, agad isinailalaim ang probinsiya sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ) .
Sa ilalim ng Executive Order No. 0015-202 na nilagdaan ni Governor Amado Espino III ay nagsasabi na na sa EECQ, walang sinuman ang papayagang makapasok at makalabas ng probinsiya epektibo Marso 23, 2020 hanggang Marso 31.
Sa pamamagitan ng pamahalang probinsiya, kinumpirma ng Department of Health ang tatlong kaso ng COVID-19 na nadagdag sa bilang ng positibong kaso sa probinsiya, na may apat na.
Isa sa Bayambang , isa sa Rosales at dalawa mula Malasiqui .
Sa apat na nagpositibo, dalawa na ang iniulat na namatay. Iyong una na namatay ay sa Bayambang na nai-confine sa Lung Center Manila habang ang isa naman na taga-Rosales ay nadala sa Region1 Medical Center sa Dagupan City.
Ang pinakahuling dalawa na positibo ay taga-Malasiqui , 70-anyos na lalaki at 54-anyos na babae, na naka-confine ngayon sa Pangasinan Provincial Hospital , Bolingit ,San Carlos City .
Ang bayan ng Malasiqui ay nasa ilalim ng EECQ habang ang Bayambang ay hinabaan ang lockdown hanggang March 31.
“Because of lockdown of the two towns, residents are not allowed to leavetheir respective residences and are ordered to be on home quarantine,” pahayag ng Provincial Health Office.
Samantala, sa COVID Monitoring Report ng Pangsinan nasa 62,340 ang kabuuan Person Under Monitoring at ang nasa Under 14 Days Quarantine - 58,121, ang Completed Quarantine - 4,186 at Incomplete Quarantine - 33.
-LIEZLE BASA INIGO