Ibinahagi ng Bureau of Fire Protection Central Luzon na isa umanong buhay na manok ang narekober sa gumuhong estruktura sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.
Sa ibinahaging video ng BFP Central Luzon sa kanilang official at verified Facebook page nitong Huwebes, Hunyo 4, ang manok ay pinaniniwalaang alaga ng isa sa mga trabahador na naapektuhan ng insidente.
Narekober ang manok sa gitna ng search and retrieval operations ng responders sa naturang pagguho.
“The chicken is believed to have triggered several life detector activations in the area over the past few days,” saad pa ng BFP.
Batay sa pinakahuling ulat ng ahensya, aabot na sa 27 ang kumpirmadong nasawi sa pagguho ng estruktura na naganap noong Linggo ng madaling araw, Mayo 24.
Matatandaang isa ring aso kamakailan—na alaga naman ng isang construction foreman—ang nasagip din sa gitna ng nawasak na gusali.
MAKI-BALITA: Aso ng isang construction foreman, na-rescue sa gumuhong gusali sa Pampanga-Balita