TIYAK na kilig to the bones ang nararamdaman ngayon ng solid Coco-Juls supporters nina Coco Martin at Julia Montes dahil muling ipinalabas kahapon (Lunes) ang teleseryeng pinagsamahan nila, ang Walang Hanggan na ipinalabas noong Enero-Oktubre 2012 mula sa Dreamscape Entertainment.

coco julia

Dito unang nakitaan ng magandang chemistry sina Coco at Julia na totoo naman kaya nasundan ito ng pelikula nilang dalawa na A Moment in Time, 2013. Kinunan sa Amsterdam at Paris ang pelikula mula sa produksyon ng Dreamscape Cinema at Star Cinema.

At sa nasabing pelikula umugong ang tsikang nagliligawan na sina Coco at Julia na pareho naman nilang itinanggi pero aminadong gusto nila ang isa’t isa nang matanong sila sa presscon ng Wansapanataym: Yamishita’s Treasures noong 2015.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hindi na nasundan ang project ng dalawa dahil pareho na silang naipareha sa iba at para siguro maiwasan na rin ang tsismis sa kanila pero hindi ito namatay dahil mas lalo itong pina-ingay ng kanilang tagasubaybay hanggang ngayon.

Anyway, isa kami sa humihiling na sana nga magkaroon ulit ng movie project sina Coco at Julia at naniniwala kaming kikita ito dahil maraming naka-miss sa dalawa.

Samantala, pinost naman ni Julia sa kanyang Instagram account ang ilang litratong pareho silang nakasuot ng puti ni Coco na kuha sa Walang Hanggang teleserye nitong Linggo.

Ang cute nina Coco at Julia, sana sila na talaga.

-Reggee Bonoan