BALITANG nagpadala si Vice Ganda ng 26,000 pieces of disposable gloves to Lung Center of the Philippines, QC General Hospital, San Lazaro Hospital and Philippine Children Medical Center.

vice

Malaking tulong sa health professionals ang donation ni Vice at matitigil na rin siguro ang pagtatanong ng netizens kung anong tulong ang ini-extend ng mga sikat na celebrities sa mga tao sa panahon ng COVID-19.

May nagtanong kasi kay Vice kung ano ang ginagawa ng mga kagaya niyang famous celebrities para makatulong sa gobyerno at mga tao. Sa halip na sagutin, nakiusap si Vice na ‘wag na silang pagkaabalahan at ‘wag problemahin kung paano sila tumutulong. “Ang isipin n’yo na lang ay kung paano kayo makakatulong.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

-NITZ MIRALLES