SINO ang kayakap ni Derek Ramsay, kapag wala ang girlfriend na si Andrea Torres? Natatawang pag-amin ni Derek sa isang interview, na ang isang mahabang unan niya na galing pa ng Japan ang niyayakap at hinihigaan niya. Athlete’s pole daw ang tawag sa unan na nakakatulong sa kanya para mag-align ng kanyang spine at para ma-strengthen ang kanyang core. “Ito ang aking kabit, ang aking baby, kapag wala si Andrea, lalo ngayon na lagi lamang akong nasa bahay.”

Bukod sa mahabang unan, hindi rin niya nakakalimutan dalhin ang kanyang car keys at ang necklace na bigay ni Ada (Andrea). Napangiti rin si Derek nang pansinin na iba ang glow ng mukha niya since naging girlfriend si Andrea.

After the enhanced community quarantine, hopefully raw ay makapag-start na sila ng taping ng bago nilang action serye ni Andrea sa GMA Network, ang Sanggang Dikit.

-NORA V. CALDERON
Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco