Labingdalawa katao, kabilang ang isang babae, ang dinampot ng pulisya nang sumuway ang mga ito sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Barangay Anao 2, Laoag, Ilocos Norte at Cagayan, nitong Biyernes.

Unang dinakip ng mga awtoridad si Romana Castillo, 52, taga-Bgy. 3 Loing, Piddig, Ilocos Norte.

Si Castillo ay dinakma ng mga tauhan ng mga awtoridad na nilabanan nito sa Piddig public market.

Sa ikalawang operasyon, inaresto rin ng mga awtoridad sina Jefferson Antolin, 21, taga-Bgy. Manalo, Amulung, Cagayan, at Noli Domingo, 36, taga-Bgy. Bagot, Dingras, Ilocos Norte.

National

Atty. Chel Diokno, benepisyaryo daw ng confidential funds ni VP Sara?

Sina Antolin at Domingo ay pansamantalang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Inihahanda na ng puisya ang kasong resistance and disobedience to a person in authority.

Sa Cagayan, siyam na lalaki naman ang inaresto sa kaparehong usapin matapos silang maaktuhang naliligo sa Cagayan river sa Camalaniugan, nitong Biyernes ng gabi.

Ang mga ito ay kinilalang sina Joselito Delicano, 49, fish vendor; George Salvador, 20; Reiannlei Simon, 18, estudyante; Jovani Simon, 20; John Mark Delicano, pawang taga-Bgy. Dugo, Camalaniugan, Cagayan.

Kabilang din sa nasakote sina Alfonso Urmatam, Jr, 34, Alvin Baltazar, 34, pawang taga-Bgy. Bulala, Camalaniugan, Cagayan. Mac Cedric Divina at Roberto Balao, 18, fruit vendor, taga-Bgy. Catotoran Sur, Camalaniugan, Cagayan.

Inaresto ang mga ito habang naliligo sa nasabing naturang ilog sa Bgy. Bulala, nitong Biyernes ng gabi.

-Liezle Basa Iñigo