Bumoses na rin si Kalookan Bishop Cardinal Pablo “Ambo” Virgilio David kaugnay sa pinaplanong pagtatayo ng AI data center sa Tarlac bilang bahagi ng Pax Silica Initiative ng Amerika.
Ayon sa U.S. Department of State, ang Pax Silica ay inisyatibo nila para sa artificial intelligence (AI) at supply chain security.U.S. Department of State.
Maki-Balita: ‘Perwisyo o benepisyo?’ Mga dapat malaman tungkol sa Pax Silica
Sa latest Facebook post ni Cardinal Ambo nitong Biyernes, Hulyo 31, sinabi niyang hindi umano ang sariling interes ng mga bansang miyembro ng Pax Silica Initiative ang totoong isyu rito.
Aniya, "The question for the Philippines is different. Will Pax Silica help build Filipino scientific capability, technological innovation, and industrial resilience?"
"Or will it primarily serve the strategic interests of others while Filipinos provide the land, natural resources, water, energy, tax incentives, and labor?" dugtong pa ni Cardinal Ambo.
Ayon sa cardinal, lehitimong tanong daw ang mga ito. Hindi dahil tinututulan nila ang foreign investment kundi dahil pinapalakas dapat ng genuine partnership ang bansang magiging host ng naturang proyekto.
Samantala, mas malalim na tanong naman ang sinusubukang usisain ng simbahan.
Binanggit ni Cardinal Ambo ang paalala ni Pope Leo XIV sa Magnifica Humanitas na ang teknolohiya dapat ay nagsisilbi sa sangkatauhan at hindi dapat pinagsisilbihan.
Gayundin ang sinabi ng Santo Papa sa “Fratelli Tutti” na hindi maitatayo ang hinaharap ng sangkatauhan sa lohika ng pakikipagtunggali lang sa mga pambansang interes.
Kaya ang tunay na tanong–ayon kay Cardinal Ambo—ay hindi lang kung mapapalakas ng Pax Silica ang ekonomiya o magiging mas makapangyarihan ang AI.
“The real question is whether it will help build what Pope Leo calls a civilization of love rather than a culture of power—a future in which technological progress serves human dignity, social fraternity, care for our common home, and peace among nations,” anang cardinal.
Matatandaang tahasang tinutulan ng grupo ng mga scientist ang Pax Silica. Sa katunayan, isa-isa nilang pinabulaanan ang mga pahayag ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) kaugnay sa potensyal na epekto ng naturang proyekto.
Maki-Balita: Grupo ng mga scientist, inalmahan ang Pax Silica