SINA KZ Tandingan at long time fiancé nitong si TJ Monterde ay nagpa-planong magpakasal din ngayong 2020 at hindi palang matukoy kung Agosto at Setyembre depende sa sitwayon ng COVID19.

KC at TJ

Kamakailan lang ay kinunan na ang prenup photos nina KZ at TJ sa Japan bago ang naging mahigpit ang NAIA sa lahat ng papasok at palabas ng bansa.

Anyway, habang wala pa sanang petsa ang kasal ay nais nang dalawang musikero na mag-aral ng musika para sa karagdagang kaalaman nila sa Berklee College of Music sa Boston, Massachusetts dahil katwiran nila kapag kasal na sila ay hindi na nila ito magagawa dahil mag-iiba na ang prayoridad nila sa buhay.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang tanong, kailan kaya sila makakaalis ng bansa, e, buong mundo may pandemic ng COVID19.