ISANG linggo na ang nakalipas ay wala pa ring resulta sa imbestigasyon ng pamamaril kay Kim Chiu bagay na tinatanong din ng publiko. Matatandaang patungo ng taping ang aktres para sa Love Thy Woman nang maganap ito.

Oo nga, bakit parang mabagal yata o baka naman may resulta na hindi lang ito isinasapubliko dahil baka nga totoong si Kim ang target ng riding in tandem at hindi lang mistaken identity?

May mga nabasa kasi kaming tila may kinalaman ito sa pamilya ng aktres na alam naman ng lahat na marami silang magkakapatid na magkakaiba ang ina. Pero ayon sa aktres ay close siya sa kanila at sa pagkakatanda rin namin ay tinulungan ng dalaga sila pagdating sa pagtatayo ng sariling negosyo.

Anyway, pagkalipas ng isang linggo ay muling nag-post si Kim ng litrato niyang nakasakay sa yate at nakatingin sa malayo sa kanyang IG account at inalala ang nangyari.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“It has been a week since that day made me realize life is really short, life is very precious and most of all felt God’s presence he protected me, my PA and my driver.

“None of us was hurt. He is really powerful amongst us all. I must say it was a miracle. I could not explain the feeling but I know he was with us and so our guardian angels. I want to thank my AbsCbn family Direk Lauren Dyogi who picked me up at taping and secured my safety all through out and ABS CBN bosses Tita Cory, Sir Mark and Sir Carlo to my Star Magic family Tita Mariole and Mr M my handler Ate Edith and my sister Ate Lakam, to my friend Ranvel Rufino for urgently went on set with lawyers with him thank you sobra sa inyo,” saad pa ni Kim sa post.

Nagpasalamat din ang aktres sa mga nakapaligid sa kanya na tumulong at patuloy na umaagapay sa kanya upang malampasan ang nasabing insidente.

“Now everything is slowly unfolding and I am glad that I am alive despite. I realized a lot of things., you discover people who are willing to help, people who care for you and people who jut wants to bring you down. I don’t want to get mad at them or “hate” them., Puno ng pasasalamat ang puso ko, Im just happy that I am here posting another IG post and thanking HIM for this Precious life! Tuloy ang buhay!Pagtatapos ni Kim, “Kung wala ka namang ginagawang masama, there is no need to be scared. #grateful #Faith.”

Hmm, bakit hindi binanggit ni Kim ang boyfriend niyang si Xian Lim? Just asking.

-REGGEE BONOAN