KAHIT hindi binanggit ni Karen Davila ang condominium kung saan siya nakatira at ang kanyang pamilya, marami ang nakakaalam ng kanyang address. Kaya nang i-post ni Karen sa kanyang IG Story na kapitbahay niya sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, alam na ng fans kung saan i-stalk ang bagong mag-asawa.
May nag-comment nga na sa post ni Karen, alam na ni Mommy Divine at ni Daddy Delfin kung saan pupunta para makita ang anak nilang si Sarah. Ang dali nga namang hanapin sa Makati City ang condominium.
Sa same condominium din nakatira sina Anne Curtis at Erwan Heussaff at dito rin daw nakatira si Mr. Vic del Rosario ng Viva Films. Kaya pala kasama siya sa photo nina Karen, Matteo at Sarah. Hindi lang pala basta sinamahan ni boss Vic sina Matteo at Sarah, winelcome niya pala ang dalawa.
-NITZ MIRALLES