Nakapagtala ng 1,532 kumpirmadong kaso ng Covid-19 ang Department of Health (DOH) sa bansa mula Enero 4 hanggang Hulyo 11, 2026.
Sa pahayag ng DOH noong Biyernes, Hulyo 17, 70% itong mas mababa kumpara sa naitalang 5,070 bilang noong taong 2025 sa parehong panahon.
“The Department of Health (DOH) reports that COVID-19 cases in the country remain low, with 1,532 confirmed cases recorded from January 4 to July 11, 2026. This is 70% lower than the 5,070 cases reported during the same period last year,” saad ng ahensya.
Bagama’t mababa ang bilang, ipinaalala ng DOH sa publiko na maging maagap sa pagsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 at iba pang respiratory illnesses, kabilang dito ang regular na paghuhugas ng mga kamay at pagtatakip ng bibig at ilong tuwing umuubo o bumabahing.
“While the number of reported cases remains low, the public is encouraged to continue practicing simple but effective health habits to help prevent the spread of COVID-19 and other respiratory illnesses. These include washing hands regularly with soap and water, covering the mouth and nose when coughing or sneezing, and maintaining proper hygiene,” paalala ng DOH.
Habang ang mga indibidwal namang nakakaranas ng sintomas ng anumang respiratory illness ay pinapayuhang magtungo sa pinakamalapit na health center upang mabigyang ng karampatang medikal na atensyon at konsultasyon.
“Individuals experiencing symptoms of respiratory illness are advised to seek medical consultation at the nearest health center or healthcare facility and follow appropriate health measures to prevent further transmission,” dagdag paalala ng DOH.