NAKASISIGURO ang publiko na mistaken identity ang pagbaril sa van na sinasakyan ni Kim Chiu habang binabaybay nila ang Katipunan Avenue, Quezon City patungo sa taping ng Love Thy Woman.

Nakasanayan ng aktres na kapag patungo ng taping ay binabasa na nito ang script niya pero sa sandaling iyon ay nakaidlip siya kaya hindi siya tinamaan ng balang tutumbok sa puwesto niya.

Isa si Kim sa most lovable personality sa showbiz at kahit off-cam, kaya nakapagtataka bakit siya gustong ipaligpit ng kung sinuman. Kaya hula ang lahat, napagkamalan dahil ang van na sinasakyan ng dalaga ay maraming katulad.

Napaka-professional ng aktres dahil pagkatapos ng barilan ay tumuloy pa rin siya sa taping.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bago mag-alas diyes ng umaga ay nag-post na si Kim sa kanyang social media pages.

“A lot of you have been texting and calling. Can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot. Yes, I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us.

“I don’t have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan? This is not a bad joke. 6 am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact. I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head is laying “buti nakahiga ako.” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?

“I was so scared; I don’t know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso. Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa. Sana tininignan n’yo muna ang plate number bago n’yo paulanan ng bala ‘yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us.

Salamat po.

Oo nga, tama naman din na dapat i-check muna ang plate number para sigurado ang target para walang nadadamay.

Hayan naging running joke na sana kunin ni Kim si Cardo Dalisay na maging personal bodyguard niya tutal naman suspendido ngayon siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Samantala, ang dami ring nag-message kay Kim at nagpapasalamat na ligtas siya sa kanyang nakakatakot na pinagdaanan at mas pinag-iingat na siya tuwing lalabas ng bahay.

As we go to to press, wala pang reaction ang boyfriend ni Kim na si Xian Lim na siguradong magre-react ng husto.

May ulat ni Nits Miralles

-REGGEE BONOAN