KASAL na sina Jay-R at Mica Javier at sa The Lind Boracay ginanap ang kasal ng dalawa last Sunday. Wala pang masyadong detalye sa kasal ng dalawa at ang mga ikinasal nga, hindi pa nagpo-post ng wedding photos. Friends lang nila, ang management company ni Jay-R na Cornerstone at music record label ni Jay-R na HomeWorkZ ang nag-announce at nag-post ng wedding photo.

Mica at Jay-R

Dumating ang parents ni Jay-R na based sa States para sa kasal ng kanilang anak at ang ganda ng eksena na sila ang kasama ni Jay-R na naglakad papunta sa altar at sa pastor na nagkasal sa kanila.

Parang may music festival sa Boracay sa kasal nina Jay-R at Mica dahil karamihan sa bisita sa wedding ay singers na kaibigan ng mga bagong kasal. Nakita namin sa photos sina Jaya, Kris Lawrence, Jason Dy at present din sina Jolina Magdangal at asawang si Mark Escueta at dalawa nilang anak. Billy Crawford at Coleen Garcia-Crawford, Kylie Verzosa, KC Concepcion at marami pang iba.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

-NITZ MIRALLES