ITATAYA ng University of Santo Tomas ang nakaputong na korona sa men’s at women’s class sa paglarga ng aksiyon sa UAAP Season 82 judo tournament ngayon sa MOA Arena.
Target ng Golden Judokas na maitala ang back-to-back championship, habang ang Lady Judokas ang defending champion sa nakalipas na anim na season ng torneo.
Magsisimula ang kompetisyon ganap na 8:00 ng umaga.
Sa high school division, nakatuon din ang pansin sa UST boys titlist, habang ang University of the East ang reigning girls champion.
Nakatakda ang weigh-in ganapo na 5:00 ng hapon nitong Biyernes sa Enrique Razon Sports Center sa La Salle-Taft.
Sa pangunguna nina MVP heavyweight Dither Tablan at Rookie of the Year half lightweight Ryan Benavides , humakot ang Golden Judokas ng limang ginto para sa kabuuang 45 puntos at makumpleto ang ‘three-peat’ para sa kabuuang 14th overall crown.
Sa women’s class, pinagbidahan ni MVP at Southeast Asian Games bronze medalist Khrizzie Pabulayan, ang tagumpay sa kabuuang 36 puntos para sa ika-11 titulo sa kabuuan.