THE long wait is over for Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone dahil engaged na sila sa wakas.

Direk Tonnette

May ka-meeting kaming konektado sa showbiz industry nitong Miyerkoles at habang nagba-browse ng kanyang cellphone ay nadaanan ang litrato ng diamond heart ring na ibinigay ni direk Dan sa kanyang future wife.

Sabi ng ka-meeting namin, “ay engaged na sila. Sabi nga ni Dan kay Tonette, ‘sorry natagalan.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Oo nga, ilang beses na rin namin itong tinatanong kina direk Dan at direk Tonette sa tuwing makikita namin sila kung kailan ang Big Day nila at laging sagot sa amin ay, ‘wala pa, marami pang labada (projects), nag-iipon pa kami.”

At ito rin pala ang hinihintay ng management company nang dalawang direktor, Cornerstone na nag-post na rin.

“ J u s t b e f o r e t h e l o v e mo n t h e n d s ! Congratulations to the newly engaged couple, our amazing directors @ tonetjadaone & @ danvillegas ! Love is truly in the air!

-Reggee Bonoan