Sa pag-post ni Matteo Guidicelli ng litrato nila ng asawang si Sarah Geronimo-Guidicelli na may hawak na wine sa kanyang Facebook page ay samu’t saring komento ang nabasa namin na binabati sila pero may mga pangaral din sa bagong kasal.

sarah-geronimo-parents1

Tulad ni Lynne Rose Ramos, “congrats to the newlyweds as a mom, both of you should do your best to get Ms. Divine’s forgiveness. Whatever happens she’s still Sarah’s mom, and as an old saying goes, ‘you won’t get far if you turn your back to your own mother.’ still best wishes for the future ahead Mr. and Mrs. Guidicelli.”

Ayon naman kay Gloryjane Allanic, “Mahirap talaga ang sitwasyon na both sides had disagreements, but my advice despites of all what happen, don’t get tired to please Sarah’s parents no matter what, no matter how they try to chase you or discriminate you or any other ways, always keep loving them and respect them, even if they are not doing the same way, show them that you are not what they think about you, in time they will understand, this is an advice of a mother of two. In time when you and Sarah had kids, you will understand the feelings of being a parents of your children and then you will understand well things why some parents acted differently, good luck and best wishes.”

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

May isang netizen ang naiyak habang binabasa isa-isa ang mga pagbati sa bagong kasal at kinuwestiyon din kung bakit grabe ang paghihigpit ni Mommy Divine sa anak.

Sabi ni Emmanu Elle, “Naiiyak ako habang binabasa ko ito. Anong torture kaya inabot ni Ma’m Devine nu’ng kabataan niya at bakit ganito na lang siya kung makapag higpit kay Sarah. Hu hu hu sana love-love na lang,”

Samantala, may nabasa kaming komento na payag naman daw si Mommy Divine na magpakasal ang dalawa pero dito sa Pilipinas gaganapin ang church wedding at hindi sa Italy tulad ng nabalita at ang ikalawa nga ay ang papirmahin si Matteo ng prenup bagay na tinututulan ni Sarah.

Matatandaang nasulat na namin dito sa Balita ang tungkol sa prenup at ayon sa aming source ay hintayin na lang ang mga Geronimo na magsabi nito para malaman ang tunay na dahilan sa isyung ito.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay may tumawag sa amin na hindi makausap ng mga kasama sa bahay niya si Mommy Divine dahil walang tigil sa kaiiyak hoping kami na sana malampasan niya lahat ang pinagdadaanang problema at isipin niyang okay na si Sarah sa pinili nitong buhay.

-Reggee Bonoan