NAKATUON ang pansin kay 1999 Malaysia Grand Asian Chess Challenge gold medalist National Master Romeo Mercado Alcodia sa pagsambulat ng Open Rapid chess championship sa Linggo (Marso 1) sa SM Megacenter sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kabilang sa magsisilbing tinik sa titulo kay Alcodia, tubong San Manuel, Tarlac na kasalukuyang naka base sa Baras, Rizal at Cubao, Quezon City sina International Master Michael Concio Jr., ng Dasmarinas City, Cavite, National Master Jake Dela Cruz ng Cabanatuan City at National Master Julius Sinangote ng Quezon City.

“Isang magandang training at exposure ito para sa pag kampanya ko sa Canada chess circuit sa taong ito,” pahayag ni Alcodia, dating pambato ng Rizal Technological University, Mandaluyong City na nakatakdang sumabak sa Winnipeg, Manitoba sa Hunyo at Toronto sa Hulyo.

Bukas ang 1-day tournament sa lahat ng manlalaro, master man o non-master na isinagawa bilang pag gunita kay Danilo Lopez na isa sa pinaka magaling na manlalarong chess player sa Nueva Ecija province kung saan inorganisa ng Cabanatuan City Chess Club sa pangunguna nina Dr. Gener S. Subia, Mr. Benjamin S. Bauto at Dr. Bernie C. Sadey.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Ipapatupad sa torneong ito ang seven-round Swiss System format na may 20-minute time at five-second delay.