PANGUNGUNAHAN ng pambatong Union Bell at may-ari na Bell Racing Stable ang mga pararangalan sa 2020 Philippine Racing Commission (Philracom) Awards sa Linggo sa Chantilly Bar ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

SANCHEZ: Tagumpay ang programa ng karera sa 2019.

SANCHEZ: Tagumpay ang programa ng karera sa 2019.

Ang matikas na 2YO champion ang tinanghal na 2019 Stakes Races Horse of the Year ng Philracom matapos ang impresibong pagwalis sa anim na nilahukang karera, tampok ang limang stakes races sa nakalipas na season.

Sinimulan ng two-year-old colt (mula sa lahi ng Union Rags, USA; dam Tocqueville, ARG) ang ratsada sa 2YO regular race nitong September 25, 2019, bago winalis ang sumunod na limang stakes races – tatlong leg ng Philracom Juvenile Colts and Stakes Races at dalawang leg ng Philtobo Juvenile Championships.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Sa impresibong kampanya, naiangat ng Union Bell ang pangalan ng Bell Racing Stable na pagmamay-ari ni Elmer de Leon na pagkakjalooban ng Stakes Races Horse Owner of the Year, kasama ang anak na si Loel at kapatid na si Joseph.

Pangungunahan nina Philracom officials Chairman Andrew A. Sanchez, commissioners Victor Tantoco at Lyndon Guce at executive director Andrew Rovie Buencamino ang pagbibigay ng parangal sa programa.

Tinaghal namang Stakes Races Jockey of the Year si star jockey Jonathan B. Hernandez, gumabay sa lahat ng panalo ng Union Bell.

Sentro rin nang atensyon ang Real Gold, ang Top Earning Horse of the Year na may kabuuang premyo na (P7.4M) bunsod ng panalo sa dalawang karera ng Triple Crown Series ng Philracom. Alaga ang Real Gold ni Jesus Ramon Mamon ng C&H Enterprises.

Pararangalan naman bilang 2019 Stakes Races Horse Trainer of the Year si Danilo Sordan.

Si Ruben Tupas naman ang Top Earning Trainer of the Year (P2.6M), habang si Atty. Narciso Morales ang op Earning Horse Owner of the Year (P38.9M).

Ang Top Earning Jockey of the Year award ay si Jesse B. Guce (P3.7M), habang ang Horse Breeder of the Year ay si Joseph C. Dyhengco, kung saan tumabo ng kabuuang P578,000 sa Breeder’s Purse matapos ang 115 panalo.

Samantala, ang Philippine Charity Sweepstakes Office Presidential Gold Cup ang tinaguriang Most Successful Racing Festival of the Year, habang ang Manila Jockey Club ang 2019 Racing Club of the Year batay sa kabuuang Gross Sales na kinita.

“These awardees prove that the Philippine horse-racing industry will always have an abundance of achievers despite the challenges. We at the Philracom look forward to more achievers in the 2020 racing calendar so that the industry can stay vibrant and dynamic,” pahayag ni Sanchez.