PUNUMPUNO ang SM Megamall Cinema 7 kung saan ginanap ang premiere night ng Us Again nina RK Bagatsing at Jane Oineza mula sa Regal Entertainment na idinirek ni Joy Aquino.

RK N JANE1

Sa karakter ni RK na happy go lucky bilang artist ay hindi ganito ang tipo ng isang seryosong medical student na ginagampanan ni Sarah Edwards na dahilan kung bakit nabaling sa iba ang pagmamahal ng binata dahil hindi siya suportado ng katipan.

Si Jane ay free spirit medical student na mahilig magwalwal at bestfriend niya si Sarah na pinatira pa siya sa bahay nito bilang tulong na rin at para may makasama siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bago pa ipinakilala ni Sarah sina RK at Jane sa isa’t isa ay nagkita na ang dalawa sa simbahan kung saan hiniling ng huli na sana bigyan siya ng boyfriend at nagkalingunan sila.

Pero hindi naman sila nagkakilala dahil niyakag na si Jane ng ate Eda Nolan niya na umalis hanggang sa nalimutan na ng una ang itinuring na heaven sent.

At muling nagkita sa bar kung saan nagwalwal ulit si Jane kasama si Sarah at ilang kaibigan hanggang sa nakatulog sa kalasingan at pagmulat niya ay nasa harap niya si RK.

Pagkagising ay nasa bahay na siya nila ni Sarah at inakalang nasa banyo ang kaibigan kaya sinabing nakita niya ‘yung lalaking nakita niya sa simbahan at paglabas ay si RK at doon na nalaman ni Jane na siya ang boyfriend ng bestfriend niya.

Sa madaling salita, nagkagustuhan sina RK at Jane dahil swak ang mga gusto nila sa buhay pero pinilit namang umiwas ng huli dahil ayaw niyang saktan ang bestfriend niya kaso hindi niya napigilan ang puso.

Bigay na bigay si Jane sa love scene nila ni RK at gayun din ang huli kaya pala nagkakatuksuhan sila sa nakaraang mediacon ng Us Again.

Nangako si RK na hihiwalayan na niya si Sarah para maging opisyal na silang dalawa ni Jane dahil mas click sila. At dahil may guilt feeling ay hindi na nagpakita pa ang huli sa kanyang bestfriend.

Maraming twist ang kuwento ng relasyon nina RK at Jane, nagkahiwalay at muling nagkita kaya nga Us Again?

Okay umarte bilang mga baguhan at unang pelikula ito nina Sarah at ang nanalong Ultimate Bida Man winner ng It’s Showtime na si Jin Macapagal bilang mga support ng dalawang bida.

Grabe ang hiwayan sa loob ng Cinema 7 sa tuwing ipapakita si Jin, ang taray, ang daming fans na.

Natuwa naman kami kay Sarah dahil pagkatapos ng screening ay panay ang sabi niya na kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung pumasa ang acting niya sa mga nakapanood.

Medyo iba lang ang itsura ni Sarah sa screen, parang matured siya samantalang sa personal ay mukhang nene at hawig niya ang dating news anchor ng TV patrol na si Nina Corpus.

Going back to Jane at RK ay masaya sila sa feedback ng tao, “naiiyak nga ako kanina sa isang part pero ayaw naming ikuwento kasi spoiler, sana mapanood ng lahat,” say ng aktor.

“First time naming mapanood ng buo kaya nadala kami sa mga eksena. Tulad naman ng lagi kong sinasabi, ready naman ako sa mga mature role (may kissing at bedscenes) basta tama ang material. Kahit ano po kakayanin ko at pagbubutihan ko,” sabi naman ni Jane.

Napansing payat si Jane sa pelikula, “pinaghandaan ko po kasi si RK, sabi ko, ‘ay idol ko yan ha ha ha.”

Samantala, nanood ang kuya Raymond Bagatsing ni RK at nabanggit na sobrang proud siya sa little brother niya at parang siya nu’ng kabataan niya.

“Wow, siyempre lumaki ako na tinitingala siya at tinulungan niya ako ng maraming beses sa career ko, sa acting sa lahat kaya nararamdaman naman ng puso ko yun,” say ni RK.

Abut-abot naman ang pasalamat ni Jane dahil sunud-sunod ang projects niya sa Regal Entertainment at pinagbubuti niya lahat ng ibinibigay sa kanyang role dahil pinagkakatiwalaan siya.

Hmm, kilala namin ang mag-inang Lily at Roselle Monteverde kapag mabait at maayos ka-trabaho ang mga artista nila at kasundo ng buong production ay makakaulit ng maraming pelikula.

Anyway, palabas na ngayong araw, Miyerkoles ang Us Again nationwide mula sa Regal Entertainment.

-REGGEE BONOAN