OPEN ang comment box ng Instagram (IG) ni Robin Padilla, libreng mag-comment ang gustong mag-commet at reaction sa post ni Robin, pero hindi sila sinasagot ni Robin. Kaya, nganga ang mga nagtatanong kung bakit ngayon lang siya nagsalita ng mga hinaing ng mga naalis na empleyado ng ABS-CBN.

Post ni Robin: “Ang dasal ko lang sa susundo naman na mga session o hearing concentrate na tayo sa maliliit na tao buksan na natin ang libro ng manggagawa ano ba ang dapat at tamang natatanggap ng mga maliliit na manggagawa yun mga nasa grinding area yun mga nasa init ng araw at hamog sa gabi.”

Sinundan ito ng isa pang post: “Nag apologize na ang CEO ng ABSCBN kaya kayong mga troll at sumasamba sa abscbn manahimik na lang kayo isa lang ang Dios ko at pinagkakautangan ko sa buhay ko ANG ALLAH lang wala ng iba... hindi kayo nakakatulong sa pag aayos ng franchise nakaisang hakbang na nga ang frankisa isabotage niyo pa. Dios mio tumulong kayo at magdasal kayo para diretsong magkaayos sunod kayo ng sunod sa mga demonyo ninyo sa paligid ninyo. Hindi ninyo alam ang isyu dito wag kayo magmarunong. Kayo ang manahimik dahil ano ba ang magagawa ng bunganga ninyo para maayos ito?

Dagdag pa ni Robin: “We are here to help bridge the gap sabi ni senator bong go he will appeal abs cbn to the president he will be the one to tell the president number one the public apology, number two about the workers ano pa ang gusto nyo? Aminin niyo man o hindi may atraso nga hihingi ban g apology. Go on with your lives tanggapin niyo ibinayad sa inyo ng financier niyo pero wag kayong magpakatanga at magpakademonyo try to help.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Hahaha! Kaloka si Robin, may financier daw ang mga namba-bash sa kanya at ang payo nga ay tanggapin ang ibinabayad sa kanila, pero ang payo, ‘wag silang magpakatanga.

Walang umamin sa nam-bash kay Robin na sila ay binabayaran para siya ay sugurin sa IG nito. Hindi nga lang nagpapatalo si Robin, lagi siyang may sagot sa mga ibinabato sa kanya.

Hinihintay pa namin may magtanong kay Robin sa mga nasusulat na baka hindi na makabalik sa It’s Showtime ang asawa niyang si Mariel Rodriguez dahil inaakusahan siyang kinakalaban ang ABS-CBN na nagbibigay ng trabaho kay Mariel, sa pamangkin niyang si Daniel Padilla, sa manugang niyang si Aljur Abrenica.

-Nitz Miralles