Ni Edwin Rollon

MULING iginiit ng pamunuan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) ang pagiging lehitimong miyembro sa Philippine Olympic Committee (POC) at maging sa FIVB (International Volleyball Federation).

CANTADA: PVF ang miyembro ng POC at FIVB.

CANTADA: PVF ang miyembro ng POC at FIVB.

Ayon kay PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada, nananatiling opisyal na sports association sa volleyball ang PVF bunsod nang katotohanan na walang opisyal na desisyon ang POC General Assembly, gayundin ang FIVB General Assembly upang alisin sa pagkilala sa PVF.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

“Limang taon na kaming nakikipag-laban dito. Maliwanag na walang dokumento na nag-aalis sa amin bilang POC member at maging FIVB recognized-NSA,” sambit ni Cantada.

Batay sa by-laws and constitution ng POC, klarong ipinatutupad ang kapangyarihan ng General Assembly.

“Section 7. Expulsion of the NSA from the POC must be approved by the General Assembly by a three-fourths (3/4) vote of the entire voting membership.

“Section 8. Membership of the NSA in the POC may be suspended for whatever reasons as may be decided by a two-thirds (2/3) vote of the entire voting membership of the POC. Suspension of membership includes suspension of any privileges as member.

“Section 9. Conferment of membership to, and termination of membership of, an individual distinguished person may be approved by the General Assembly with a two-thirds (2/3) of the votes cast. Any such membership, if any, shall be for a maximum period of one year, but subject to renewal,”

“Alam naman natin na hindi kami binigyan ng karapatan sa POC during the time ni Peping Cojuangco. Hopefully, the new POC leadership will give PVF its right to be heard,” pahayag ni Cantada.

Ikinatuwa ni Cantada na sa kaslaukuyan, dinidinig na umano ni POC Membership Committee head Bones Floro ang isyu ng PVF at inaasahang maglalabas ito ng rekomendasyon sa madaling panahon.

“Sa FIVB, during the 2018 General Assembly in Cancun, Mexico, hindi rin kami inalis at nanatiling miyembro. Until now, yung desisyon na yun ay hindi naman sinalungat ng GA kaya yun ang dapat masunod,” ayon kay Cantada.

“It is PVF that is the FIVB member and not LVPI as per the decision of the FIVB General Assembly in Cancun, Mexico. Thus, it is PVF that must be allowed to send entries to AVC events and not LVPI,” sambit ni Cantada.

Aniya, ito rin ang iginiit nila sa Asian Volleyball Federation (AVF) bilang pagtuligsa sa desisyon nito na tanggapin ang partisipasyon ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. na dapat sana’y ipagkaloob sa PVF.

“Article 2.2.7.1 states that an affiliation on provisional basis must be ratified by the general assembly. LVPI’s provisional membership was not ratified in Cancun and was in fact terminated. Thus, LVPI ceased to be a provisional FIVB member and is now a non-member of FIVB,” ayon kay Cantada patungkol sa konstitusyon ng FIVB.