LAS VEGAS (AP) — Muling tinanghal na heavyweight champion si Tyson Fury. At nagawa niya ito sa pamamagitan ng pagdungis sa marka ng mahigpit na karibal na si Deontay Wilder.

Sa rematch ng kalisokong sagupaan nitong Sabado (Linggo sa Manila), nadomina ni Fury ang kabuuan ng laban na nagresulta ng technical knockout matapos maghagis ng putting towel ang corner ng American champion sa ikapitong round.

Pinaliguna ni Fury ng kombinasyon ang karibal na hindi nagawang makabawi sa kabuuan ng laban.

Sa ikapitong round, itinigil ni referee Kenny Bayless ang laban may 1:39 ang nalalabi ng magtapon ng putting towel tanda ng pagsuko ang corner ni Wilder.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Ito ang unang kabiguan sa career ni Wilder na umabot sa 44 fights. Mula noong 2015, nadepensahan niya ang korona sa 11 pagkakataon.

Kapwa tumanggap ng premyong tig-US$5 milyon ang magkaribal.

Samantala, nabigo si Pinoy fighter Jeo Santisima na maagaw ang WBO Junior Featherweight title kay Emanuel Navarette ng Mexico sa TKOloss sa 11th round.

Sumabak bilang 50-1 underdog sa nasabing laban, ang tubong Arory, Masbate na si Santisima ay mistulang nananantya sa kanyang mga kilos maliban sa fourth at fifth round kung saan napatamaan nya ng kanyang kanang kamao ang Mehikano na tila pansamantalang nagpahilo dito.

Dahil dito, bumaba ang ring rekord ni Santisima sa 19-3 habang umangat naman si Navarrete sa 31-1 na may 27 knockouts.

-Marivic Awitan