“DO you believe in Serendipity (finding something good without looking for it)?” ito ang caption ni KC Concepcion sa pinost niyang art card nitong Martes na umabot ng 14.1K likes at 350 comments na karamihan ay ang pagkikita nila muli ng ex-boyfriend niyang si Piolo Pascual.

KC Piolo

Naaliw kami sa komento ni @sushichio, “Yes I believe papa P is your serendipity he he.”

Hindi ba dapat destiny ang tawag?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Anyway, naunang nag-post ang aktres ng pumpon ng pulang rosas na ang caption, “Fifty red roses came to my doorstep, with a sweet card to match. Sometimes it’s best to have no expectations. How did YOU celebrate Valentine’s day?”

Kaya siguro si Piolo ang naisip ng lahat dahil nga iyon ang gusto nilang mangyari na magkabalikan ang dalawa.

At bukas sa publiko na pagkatapos ng relasyon ni Papa P kay KC ay walang nabalitaang naging girlfriend niya ng seryoso. Samantalang ang aktres ay nagkaroon pero hindi naman nagtagal.

Ayon sa komentong nabasa namin sa YouTube, mula sa nangangalang Enrico Santos, “My opinion kaya hindi nagtatagal yung mga naging BF ni KC after Piolo , hinahanap niya ‘yung character ni PJ kaya she keep searching, while Piolo wala siya admit ng naging GF after KC, May nagtanong kay Piolo kung possible niya balikan c KC sabi niya Yes. Then Kung X-Gf daw babalikan sabi niya c KC daw ‘yun at kung magpapaligaw daw.”

Maging si Chopla Bat, “Praying that PJ & KC is meant to be they deserve each other to be happy forever.”

Halos iisa ang sinasabi ng lahat n asana magkabalikan na sina KC at Piolo.

Wala naman kaming nabasang sagot ang dalaga rito at sa kasalukuyan ay abala si KC sa mga product endorsements niya na tinatapos lang niya dahil may mga nag-renew at pagkatapos ay mawawala siya mula Marso hanggang Mayo dahil nasa Amerika, Europe at Bangkok para sa kanyang YouTube channel na The KC Diaries.

Isang linggo palang ni-launch ni KC ang kanyang youtube channel nitong Pebrero at umabot na sa 32.2K ang subscribers as of this writing sa dalawang videos na pinost niya.

Balitang babalik si KC sa singing at acting career niya soon kaya sa mga umaasang sana magkasama muli sila ni Piolo ay hindi malayo.

Welcome back to showbiz KC.

-Reggee Bonoan