HIWALAY na nga sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna at “single” na uli ang status ni Ellen kung ang pagbabatayan ay ang post niya sa IG Story na “When you’re single and people tell you there are plenty of fish in the sea, these are the fish.”

Ellen

Sinundan pa ng comment na “Asa Arowana? HAHAHA” at naka-tag sa kaibigang si Kate Torralba. Ang photo ni ginamit ni Ellen sa kanyang post ay iba’t ibang klase ng isda at arowana yata.

Walang patutsada kay John Lloyd ang post ni Ellen, kaya walang fans ng aktor na nagalit sa kanya. Malinis at gusto lang ipaalam na single na siya.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Anyway, si Ellen ang bagong Face of Kamiseta Skin at bagay sa kanya ang endorsement dahil maganda na, flawless din si Ellen. Ang comment nga ng netizens, wala siyang pores.

-Nitz Miralles