HINDI na lang ang labasan ng network contract ang hamon ni Robin Padilla sa talents ng ABS-CBN, TV 5 at GMA-7 dahil ang bagong hamon ni Robin ngayon ay labasan naman ng bankbook. Na-special mention niya sina Coco Martin, Angel Locsin at Dingdong Dantes, so far, wala pang pumapayag sa kanyang panawagan.

Dingdong at Robin

Nagtataka lang ang fans ni Dingdong kung bakit kasama siya sa nabanggit ni Robin gayung Kapuso at hindi Kapamilya si Dingdong. Ang naisip na dahilan na lang ng fans ni Dingdong ay dahil nagpahayag ng suporta si Dingdong sa renewal ng franchise ng ABS-CBN.

Pansin ng mga bumibisita sa socmed account ni Robin na sa kanyang pagsagot sa mga tanong ng netizens, ang dami niyang nababanggit na mga kwento sa loob ng Kapamilya Network. May nabanggit siya kay Coco na hinihintay ang reaction ni Coco.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Inakusahan si Robin na nagpapasikat dahil tatakbo siya sa sunod na election. Pero, sabi ni Robin, “ako po ay retired na at wala po akong plano tumakbo tumanggi nga po ako nong last election para lang po ito sa abscbn at sa maliliit na tao 25 years is already enough to know the grievances of other people.”

May nagbanta kay Robin na magkakaalaman sa 2022 election at alalahanin daw ni Robin na marami silang Kapamilya.

“Bagama’t wala po akong kontrata sa absscb pero kapamilya rin po ako at hindi po isyu sa akin ang eleksyon dahil hindipo ako pulitiko,” sagot ni Robin.

Sa nagpipilit na isa si Robin sa gustong ipasara ang ABS-CBN, heto ang sagot niya:

“Paumanhin po wala po akong nais na maisara kahit anong network dahil kailangan po sila ng showbiz industry pero 25 years nap o sila mua nong unang franchise sigurado po ako alam na po ng abs ang hinaing ng kanilang mga tao. Mas mainam po kung lahat ng tao ay kasing saya niyo rin po lalo nap o yun kapamilya ninyo sa likod ng camera po.“

-NITZ MIRALLES