In full swing na ang taping ng TV adaptation ng 1989 box-office hit na pelikula nina Nora Aunor at Tirso Cruz, IIIna Bilangin Ang Bituin Sa Langit na ire-remake ng GMA Network.

yaser, direk Laurice at kyline

Actually, nagsimulang magteyping ng serye ang ibang cast members sa pangunguna nina Nora at Mylene Dizon sa unang linggo pa lang ng December, 2019 at nitong January 20 lamang isinalang ang Kapuso breakout star na si Kyline Alcantara.

Aapir ang kanyang character as Magnolia “Maggie” de la Cruz sa second week ng airing nito.

Tsika at Intriga

'Pinayanig mo ang Pilipinas!' Maris, naunahan daw mag-launch ni Jam?

“Mas kinakabahan po ako ngayon,” pagtatapat ni Kai sa amin. “Kung dinaga po ‘yung dibdib ko nu’ng first meeting namin sa storycon, higit po ngayon.”

Handa na rin naman daw siyang humarap kina La Aunor at Mylene at maging sa kanilang lady direktor na si Laurice Guillen.

“Handang-handa na po,” mabilis na tugon ng award-winning teen actress at regional winner ng Asian Academy Creative Awards (AACA) for Best Supporting Actress. “Kabado pa rin pero mas nai-excite po ako. Tulad ng madalas ko pong banggitin, karangalan ko pong makatrabaho ang mga beteranang aktres ng industriya.”

“Excited na rin po akong makatrabaho si direk Laurice. Alam ko pong marami rin akong matutunan sa kanya,” tinuran pa ng Symply G Hair & Skin Care endorser.

Pangako ni Kai, “Pagbubutihan ko po dahil takot po akong masigawan at mapagalitan sa set.”

Biggest TV break din ito ng singer-actor na si Yasser Marta bilang leading man ni Kyline sa series.

Ani ng former One Up boyband member, “Biggest break ko po kaya sobra akong nagpapasalamat sa GMA sa tiwala na ibinigay nila sa akin at promise po, gagalingan ko rin po.”

Kasama rin sa TV adaptation ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit sina Gabby Eigenmann, Ina Feleo, Divina Valencia, Isabel Rivas at Zoren Legaspi.

Nakatakdang itong ipalabas sa February 24 sa Afternoon Prime ng GMA.

-LITO MAÑAGO