August 08, 2026

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz sa kakanalan ni Sassa Gurl: 'Awat na!'

Ogie Diaz sa kakanalan ni Sassa Gurl: 'Awat na!'
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Sassa Gurl (FB)

Nagbigay ng reaksiyon si showbiz insider Ogie Diaz kaugnay sa hirit ng content creator na si Sassa Gurl kay Kapamilya artist AC Bonifacio na co-star nito sa upcoming Regal Entertainment film na "Saving Cherry."

Matatandaan kasing sa ginanap na mediacon ng naturang pelikula, ibinahagi ni AC ang kasiyahang makatrabaho ang ilang Kapuso stars na kasama sa cast, kagaya nina Barbie Forteza, Mikee Quintos at Mika Salamanca.

"Naloka ka sa mga Kapuso, 'no… walang plastikan, 'no?" hirit naman ni Sassa na ikinabigla ni AC at ilang co-stars.

Kaya sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Sabado Agosto 8, hiniling ni Ogie na sana raw ay tigilan Sassa sa mga gano’ng uri ng hanash.

“Lesson learned ulit ‘yan kay Sassa Gurl. Next time, awat na sa gano’ng mga komento. ‘Yong pagiging kanal, girl, siyempre minsan inilalagay din natin sa lugar,” anang showbiz insider.

Tsika at Intriga

Bakasyon, hindi suspension! Vice Ganda, inupakan mga echosera ng fake news

Samantala, humingi naman na ng paumanhin si Sassa sa nasabi niya kay AC.

Aniya, "Saw all your tweets and messages, kinda deserv ko naman talaga ang mabunot, as a queer person who represents the baklang kanal girlies, i realized na dapat nga naman talaga i lugar ang kakanalan." 

Tinanggap naman ni AC ang apology na ito ng kaniyang co-star. 

Maki-Balita: Sassa Gurl nag-sorry sa kataklesahan, kakanalan niya: 'I take accountability for that!'