ANG Make it with You teleserye nina Enrique Gil at Liza Soberano ang isa sa most viewed series sa iWant at mataas ang ratings sa free TV kaya naman labis na nagpapasalamat ang LizQuen sa lahat ng sumusuporta sa programa nila kaya siniguro rin nilang mas lalo nilang pagbubutihin ang lahat ng eksena nila para sa ikakikilig ng viewers.

LIZQUEN

Sa umeereng eksena ngayon ng MIWY na nasa Pilipinas na sila ay hiwalay na sila dahil gustong pangalagaan ni Gabo (Enrique) si Billy (Liza) kasama ang pamilya nito sa tatay niyang si Atty. Ted Villarica (Ian Veneracion) kaya kunwari sungit-sungitan siya pero humingi na siya ng paumanhin at nakipag-ayos na base sa umereng episode nitong Huwebes.

Mas lalong tumaas ang ratings dahil inaabangan ang bawa’t mangyayari sa dalawa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon kay Enrique, “I think (inaabangan) nga na ay conflict kami, hindi kam in good terms kasi I’m trying to keep her away in my world kasi kapag lumalapit siya sa mundo ko, nagiging target siya ng tatay ko, so I think ‘yun ang inaabangan ng mga tao kung magiging okay na kami o hindi pa. Parang roller coaster ride ang emotion, push and pull na doon sila naasar, naiirita, natutuwa, nabubuwisit. Effective ‘yung story na ginagawa ng writers.”

Sa mga eksenang nasasaktan si Liza ay inamin ni Quen na nahihirapan siya dahil siyempre sa totoong buhay ay hindi naman siya ganu’n.

“It’s hard kasi kailangan ko siyang saktan in purpose na hindi ko naman talagang gusto, so that’s really hard on my part na nakikita ko siyang nasasaktan na hindi ko puwedeng ipahalata sa kanya na nasasaktan din ako,” pahayag ng aktor.

Say naman ni Liza, “the hardest scene sa akin is ‘yung lagi niyang sinasabing magmo-move on na siya pero hindi naman (natawa). As an actress I was like (roller coaster), I don’t know when to show my real emotions ‘coz the inner monologue of Billy, she’s really in love with this guy. I think it’s more of there’s pain and so much emotions and that pain and emotions connected in deep rooted love and nahihirapan ako kung kailan to soften and to and I don’t know kung… I have to put this façade that I hate you, I hate everything about you. Nahihirapan akong tantiyahin but with the help of our director, he always guides us.”

Apat ang nasasalitan sa pagdi-direk ng Make it with You tulad nina Direk Cathy Garcia-Molina, Theodore Boborol, Frasco Mortiz at Richard Arellano.

“We have two units kaya nagpapalit-palit ng director but ang pinaka-main director si direk Richard po,” saad ni Liza.

Anong mga eksena ang pinaka-memorable ng LizQuen sa MIWY na umere na.

Sabi kaagad ni Enrique, “I think Croatia (scenes) and siguro sa mga ibang scenes sa family side niya (Liza), scenes with Pokwa ng (tita ng binata) kasi it’s a fun-scenes because whenever I’m in mu corporate world siyempre it’s not aas happy. But ‘yung sa Croatia, I think it’s fun shooting there.”

Nabanggit din ng LizQuen na sa tuwing nagso-shoot sila ay may revisions ang script dahil hindi nila alam ang mga susunod na mangyayari.

Sa Wednesday episode kasi ng MIWY ay may back story na si Gabo ang dahilan kung bakit nakatanggap ng scholarship si Billy mula Paris para mag-aral ng culinary. Kaya tinanong namin kung kailan malalaman ng dalaga na ang binata ang dahilan kaya siya napapunta sa nasabing bansa.

“To be honest po wala kaming alam sa mga susunod na mangyayari kasi ibinibigay lang sa amin ‘yung (script) sa mismong araw, so surprise rin po sa amin ang kuwento and I guess it’s better that way also kasi nasasakyan po namin ‘yung journey namin na hindi namin napi-preempt ang kuwento o parang inaabangan na namin kung ano ‘yung dapat na emosyon for that scene. Kaya araw-araw talagang inaabangan namin na’ ah, ganito pala.’ Tapos laging sinasabi lang po nila (writers/director) hindi ko alam,’ pagtatapat ni Liza.

At dahil hiwalay na sina Billy at Gabo sa kuwento at mayroon ng iba ang binata ay tinanong namin kung naisip o na-imagine ba ng dalaga na magkatotoo ito.

“I haven’t imagined it yet (natawa) kasi parang ang hirap i-imagine ‘yun, I think I wouldn’t try to imagine it kasi ang negative lang, ibig sabihin magbi-break kami, I don’t like it to happen, pero kung mangyari man, hindi ko na lang siya titingnan,” natawang sagot ng aktres.

LIZQUEN, NALUNGKOT SA PAGHIHIWALAY NG JADINE AT JOSHLIA

NATANONG din ang LizQuen tungkol sa katatagan ng relasyon nila dahil ‘yung ibang love teams na nagkatuluyan ay hiwalay na ngayon tulad ng JaDine at JoshLia.

“It’s gonna sad kasi sanay na kami in all events na lahat kami buo, kumpleto kami,”sambit ni liza.

Hirit naman ni Enrique, “and we’re friends with James (Reid) and Nadine (Lustre), were hanging out before, it’s really sad.”

“Feeling namin sila pa rin, kahit ‘yung JoshLia, feeling namin (sila pa),”sabi ni Liza.

“Lahat ng break up naman sayang, but were not here to judge or anything, we respect their decision. But hindi pa naman ito tapos, marami pang mangyayari sa future,”saad ni Quen.

LIZA AMINADONG MAS MOODY KAYSA KAY ENRIQUE

Samantala, inamin din ng LizQuen na nagkakaroon din sila ng away pero hindi ito nahahalata ng mga tao lalo na kung may trabaho sila.

“We make it a point na pagdating sa set professional kami. Nag-uusap pa rin kami pero minimal. Pero siyempre hindi ko siya sisigawan sa harap ng maraming tao pero hindi ko rin siya kakausapin masyado,” pag-amin ni Liza.

Ano ba ang madalas nilang pagkatampuhan, “puro small things lang po, madalas ganu’n,” saad ng aktor.

“Madalas po pag meron ako (monthly visitor),” mabilis na sabi ng dalaga. “Alam po niya, sasabihin niya, ‘meron ka ‘no?”

“Oo, timing lang talaga,” dagdag ng aktor.

Napaamin na mas mabilis kumalma si Quen kapag may tampuhan sila ng katipan dahil ayaw na niyang pag-usapan pa unlike Liza na aminadong topak siya.

“Ako kasi gusto ko pang pahabain pa, ha, ha hindi naman. I always like explanation to everything kahit hindi ako galit, at kapag hindi ako nabibigyan ng explanation napu-frustrate ako until I hear what I want to hear hindi ako titigil,” pagtatapat ni Liza.

-REGGEE BONOAN