HINDI binigo ni Marcelito Pomoy ang mga sumusubaybay sa kanya, matapos ang kanyang standing ovation-worthy performance sa semi-finals ng America’s Got Talent: The Champion.

mARCELITO

Sa latest episode ng show nitong Feb. 3 (Feb.4, Philippine time), pinahanga ng Pinoy singer ang mga manonood at mga hurado sa kanyang performace ng duet song nina Andrea Bocelli at Sarah Brightman, Time to Say Goodbye.

Right after his performance, huli sa camera ang reaksyon ng AGT judges na sina Simon Cowell, Heidi Klum, Alesha Dixon, at Howie Mandel, na napatayo.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I got to say it. I believe that you have the best shot in winning this whole thing. This is the semi-finals and you raised your game,” komento ni Howie.

Puno rin ng papuri si Alesha para sa piniling kanta ni Marcelito.

“It really enables you to shine. I just love everything about you, Marcelito. That was a fabulous performance. Well done!”aniya.

Idineklara naman ni Heidi bilang kanyang “favorite” si Marcelito, na aniya’y hinihintay na niyang magtanghal buong araw.

Habang, naniniwala naman si Simon — who has a bit of a reputation as judge — na malayo ang mararating ni Marcelito.

Pinayuhan rin niya ang Pinoy singer, to take a “bigger risk” na kaya niya para sa finals.

“There is no denying you have a very unique, incredible special talent. So if you make it to final, I think you’ve got to take a bigger risk because now the surprise is over. But I do believe that… with the gift you’ve got, you got massive career in front of you. I really do,” pahayag ni Simon.

Si Marcelito ay kampeon ng second season ng Pilipinas Got Talent noong 2011. Pambato niya ang kanyang talent na dual voice, kung saan una niyang itinanghal sa show ang The Prayer, na isa ring kanta ni Andrea kasama si Celine Dion.

-Regina Mae Parungao