MENTALLY at emotionally disturbed ang karakter ni Bela Padilla sa pelikulang On Vodka, Beers and Regrets na palabas na ngayong araw, Miyerkoles mula sa direksyon ni Irene Emma Villamor na produce ng Viva Films.

vodka

Dating sikat na aktres si Bela at ang tanging takbuhan niya sa mga problema niya ay ang alak. At dahil tambay sa bars kaya nakilala niya si JC Santos na bokalista ng bandang hindi sumikat-sikat.

Mag-isang binubuhay ni Bela ang sarili kahit na may nanay naman siyang uuwian pero ayaw niya dahil may iba na itong pamilya. Namatay ang tatay niya bata pa siya sanhi ng pagiging adik sa alak bagay na namana ng aktres dahil bata palang siya ay tumitikim na siya alcohol.

'Di kilala unang babaeng PH president?' Gurong contestant sa Showtime, trending sa X

May on and off boyfriend siya, si Matteo Guidicelli na sadista at babaero na nu’ng una ay sunud-sunuran si Bela dahil takot siya sa puwedeng gawin sa kanya ng binata, pero nang makilala niya si JC ay lumakas ang loob na iwan kahit pa pinagbantaan siya.

Kaso lahat ng burden sa buhay ni Bela ay si JC ang nagdadala kaya pinayuhan siyang pumasok sa rehabilitation center.

Base sa napanood namin ay parang ang peg ng pelikula ay ang Girl Interrupted ni Wynona Rider pero sabi naman ni direk Irene ay ang When A Man Loves A Woman ni Meg Ryan na hindi pa namin napanood.

Anyway, curious din kami na sa tuwing gagawa ng pelikula si Bela ay kasama siya sa bumuo ng ideya at sa ending ay laging ang karakter niya ang may problema, aware kaya ang aktres dito o baka nagkataon lang?

At gayun din si direk Irene bakit halos lahat din ng pelikula niya ay masasakit ang ending, naiba lang itong On Vodka, Beers and Regrets.

May funny scenes sa pelikula lalo na kapag bangenge na si Bela na inaalalayan siya ni JC na tingin namin ay adlib na lahat ‘yun dahil ang mismong aktor ay natatawang patago.

Lalo na nu’g pinagsuot ni Bela si JC ng pineapple shorts para mag swimming sila at ito pala ‘yung sinasabi ng aktres na sa maiksing eksena ay todo gym ang aktor para sa abs nito.

In fairness maganda kaya naman napa-wow ang mga ilan sa mga nanood sa ginanap na premiere night ng On Vodka, Beers and Regrets na ginanap sa Ortigas Cinema 1, Estancia Mall nitong Lunes ng gabi.

Humanga rin kay Bela ang karamihan sa suot nitong bathing suit dahil tinamaan ng araw ang aktres kaya lalong tumingkad ang pagkaputi niya.

Anyway, ikatlong pelikula na nina Bela at JC ang On Vodka Beers and Regrets at ang dami na nilang kissing scenes.

-REGGEE BONOAN