ANGELES, PAMPANGA –Dahil sa pagkadismaya sa pagkabigo, hindi sinipot ng Bicol-LCC Stores Volcanoes coach na si Mon Kallos ang kanilang ensayo isang araw matapos ang laro.

Isang laro lamang ang kailangan ng Volcanoes upang makasiguro ng playoff ngunit nabigo ito kontra Rizal-Xentro Mall Golden Coolers 77-79 noong Huwebes ng gabi sa pag-usad ng MPBL Lakan Season.

“Sa totoo lang hindi ako gumawa ng gameplan today kasi hindi ako umattend ng practice namin before the game. Sinabi ko sa kanila, masama ang loob ko na hindi naman tayo dapat natalo doon,” pahayag ni Kallos sa isang panayam sa kanya.

Dahil dito, nakuha ng Volcanoes ang kanilang 16-14 sa South Division, kung matapos naman na makakuha ng panalo kontra General Santos 65-63.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

“Kaya sobrang saya namin lahat na nakuha namin ‘to sa Gen San. Hindi ko naman na sila dapat pagalitan kasi alam kong kaya nila e, pinrove nila na talagang magaling silang team, magaling na players,” ani Kallos.

“Tingin ko yun ang naging wake-up call nila besides, wala akong pre-game talk. Nagsalita lang ako yung nararamdaman ko towards doon sa game namin, yung last game namin,” he added.

“Sabi ko sa kanila, grabe ang paniniwala ko at respeto ko sa galing ng team na ‘to kaya sabi ko kahit sinong kalaban natin kaya nating talunin. Oo, tingin ko hanggang playoffs na ‘to.”

Sa ibang resulta, pinataob ng Nueva Ecija ang Makati-Super Crunch, 80-74, habang ang Pampanga naman ay nagwagi kontra Bacolod-Master’s Sardine, 82-65.