SA unang pagkakataon ay ipinasilip ng Viva Films ang mga video ng mga pelikula ipalalabas nila ngayong taon sa ginanap na Viva Vision 2020 kasabay ng thanksgiving party nila para sa media at bloggers na nakatulong sa kanila sa maraming taon.

Ayon sa hepe ng paggawa ng mga pelikula na si Boss Vincent del Rosario ay naglaan sila ng P1 billion para sa 34 movies ngayong 2020 kumpara noong 2019 na naka-19 lang sila.

Ang ilan sa pelikula ng Viva noong 2019 ay ang mga sumusunod na kahit hindi gaanong pinilahan sa sinehan ay pasok naman sila sa ibang platform tulad ng Maria ni Cristine Reyes na unang pelikulang co-prod ng Netflix Films; ang Ulan nina Nadine Lustre at Carlo Aquino, Just a Stranger nina Anne Curtis at Marco Gumabao; sina Janno Gibbs, Andre E at Dennis Padilla naman sa Sanggano, Sanggago and Sanggwapo; ang online to book to film na Jowable ni Kim Molina; ang Unforgettable ni Sarah Geronimo; LGBTQ movie na Adan na pinagbidahan nina Rhen Escano at Cindy Miranda; Mananita ni Bela Padilla; tambalang Anne Curtis at Vice Ganda sa The Mall The Merrier, at ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach.

Anyway, nasa 15 movies out of 34 ang tapos na at hinahanapan na lang ng timing kung kailan ito ipalalabas.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Pero ang dalawa sa 15 pelikulang tapos ay isinumite nila sa 2020 Summer Metro Manila Film Festival at ang mga ito ay ang Hard Day nina Dingdong Dantes at John Arcilla na hango sa Korean movie na ipinalabas noong 2014 at Tililing na follow-up movie ng Jowable director na si Darryl Yap.

At ang line-up ng Viva Films sa 2020 ay ang Original Viva Films na Vodka, Beers and Regrets (Bela Padilla at JC Santos); Devoted (Anne Curtis); Hindi Tayo Pwede (Marco Gumabao/Lovi Poe/Tony Labrusca); Rooftop (Marco Gallo, Ryza Cenon, Rhen Escano, Andrew Muhlach, Marco Gumabao at Ella Cruz); Tililing (Gina Pareno/Candy Pangilinan/Donnalyn Bartolome/Yumi Lacsamana/Chad Kinis at Baron Geisler); Untrue (Xian Lim at Cristine Reyes); Nightshift (Yam Concepcion); The Other Woman; Love the Way You Lie (Alex Gonzaga/Kylie Versoza/Xian Lim); Walang KaParis (Empoy Marquez/Alessandra de Rossi); You F Oh (Christian Bables); Pakboys (Andrew E/Dennis Padilla/Janno Gibbs at Jerald Napoles); Mang Jose (Janno Gibbs); Ultimate Oppa (Bela Padilla at Kim Gun-Woo).

Ang reimagined films local adaptation with Pinoy twist ay ang A Hard Day, Spellbound (Bela Padilla/Marco Gumabao); Wedding Dress (Cristine Reyes at Xia Vigor); The Housemaid (Kylie Versoza); A Man and a Woman (Aga Muhlach); Sunny (Sharon Cuneta at Regine Velasquez); More Than Blue (JC Santos/Yassi Pressman at Arjo Atayde); The Wedding Breaker (Bela Padilla at Alessandra de Rossi); Instructions Not Included (Janno Gibbs at Xia Vigor).

At siyempre kung may Marvel at DC sa Amerika, mayroon ding handog ang Viva para sa ating Pinoy superheroes mula sa creative mind ng isa sa National Artist Francisco Coching at ang legendary Komiks King, Carlo J. Caparas. Ang mga pelikulang ito ay ang Pedro Penduko (Matteo Guidicelli/Arjo Atayde at Empoy Marquez); Joaquin Bordado (Dingdong Dantes); Elias Paniki, Gagambino, Kamandag, Valora, Berdugo, Totoy Bato at Panday.

Nang ma-post sa social media ang mga line-up ng Viva Films ay ang iisa ang komento ng netizens, “wow!”

-Reggee Bonoan