May payo ang dating presidential adviser na si Atty. Salvador "Sal" Panelo sa kapwa batikang abogadong si Atty. Lorna Kapunan ng house prosecution matapos ang gitgitan nila ni Atty. Kristine Ferrer ng defense team, sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte noong Miyerkules, Agosto 12.
Matatandaang nagkainitan sina Kapunan at Ferrer kaugnay ng pagtatanong ng defense lawyer sa testigong si Commission on Audit (COA) auditor Xylene del Campo, na tumatalakay sa isyu ng confidential funds ni VP Sara noong siya pa ang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Naganap ang tensiyon matapos kuwestiyunin ni Ferrer ang paraan ng pagsagot ng testigo at igiit na dapat munang tumugon si Del Campo ng “yes or no” sa mga tanong ng depensa.
Ayon kay Ferrer, maaari namang magtanong ng clarificatory questions ang prosekusyon sa kanilang redirect examination.
Hindi naman ito sinang-ayunan ni Kapunan.
“Your Honor, not all questions can be answered by yes or no,” pahayag ng beteranang abogado.
Nang sabihin ni Ferrer na nasa cross-examination siya, iginiit ni Kapunan na may mga limitasyon pa rin sa ganitong uri ng pagtatanong.
“Never mind if you’re on cross. There are limits to cross-examination. Misleading questions are not allowed on cross.”
Nang sabihin naman ni Ferrer na pinapayagan ang misleading questions, mabilis na sumagot si Kapunan.
“I don’t think I need to lecture you that,” ani Kapunan.
Dahil dito, namagitan si Senate President at Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero upang pababain ang tensiyon sa loob ng impeachment court.
Paalala ni Escudero sa dalawang kampo: “Counsels, let’s not allow the generational or seeming generational divide increase the tension in the courtroom. Let’s keep it a notch lower.”
Sa halip na palalain ang sagutan, nagbiro naman si Kapunan tungkol sa kaniyang pagpipigil.
“I am preventing myself from giving her a spanking, Your Honor. That’s what I would have done in the generational divide,” ani Kapunan.
Agad naman niyang sinabing susubukan niyang panatilihin ang kanyang pagiging kalmado.
“I promise to henceforth, behave,” dagdag niya.
Maki-Balita: ‘I don’t think I need to lecture you that!' Kapunan, Ferrer nagkagirian dahil sa 'misleading question'
Maki-Balita: Atty. Kapunan sanay raw sa disrespect, binuweltang rumespeto si Atty. Ferrer!
Samantala, sa panayam ng media kay Panelo na nanood sa naganap na trial nang mga sandaling iyon, sinabi niyang sinesegundahan niya ang obserbasyon ni Escudero na may “generational divide” sa pagitan nina Kapunan at Ferrer, at sa huli ay pinayuhan ni Panelo si Kapunan na “magpahinga na” sa pagiging abogado.
"May generational gap. Matanda at bata, talagang hindi magkakasalubong. Alam mo, yung mga matatandang abogado, pag may kalaban na bata, eh lalo na kung hindi nila ma-prove yung kaso nila, kung ano-ano na yung sabi, lalagyan, nagbibigay ng mga snide remarks, kumbaga, sinisiraan na lang yung respondent kasi hindi nila ma-prove yung kaso nila sa pamamagitan ng mga testigo nila," anang Panelo.
Dagdag pa niya, "Pero between the old lawyer and the young lawyer, ah wala, talo yung old lawyer ng young lawyer. Kailangan eh, magpahinga na siya."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Atty. Kapunan tungkol sa banat sa kaniya ni Atty. Panelo.