Pinasalamatan ng Philippine para-athletes ang walang katumbas na suportang ipinagkakaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa matagumpay na hosting ng 10th ASEAN Para Games na magaganap ngayong darating na Marso 20 hanggang 28.

chairman

Ayon kay Philippines Chef de Mission Francis Diaz, na malaking inspirasyonang ibinibigay ng PSC chairman William “Butch” Ramirez sa mga para athletes upang magtagumpay sa kampanya nito sa nasabing biennial meet.

“Si Chairman (Butch) Ramirez, palagi niyang sinasabi na, ‘he has a soft spot in his heart’ para sa mga para-athletes natin. And he truly inspires our para-athletes for what he does in PSC,” ayon kay Diaz.

PVL, ibinalandra eligibility rules sa foreign players; Alohi Hardy, ekis ngayong conference

“Blockbuster ang support ng Philippine Sports Commission. The national government through PSC is virtually funding all the training, international competitions to all our para-athletes. We are very thankful for that commitment.” Ayon pa sa CDM.

Una nang naglaan ng pondo ang PSC para sa training at pagsabak sa ibang bansa ng mga para-athletes noong 2017 ahanggang 2019 sa pabuuang halaga na P182 billion.

Bukod dito ay sinuportahan din ng nasabing ahensiya ang kampanya ni Pinay table tennis Paralympian Josephine Medina sa 2019 ITTF Para Bangkok Open kung saan siya nagwagi ng gintong medalya.

Ang PSC din ang nagpondo sa matagumpay na kampanya ng mga para-athletes sa 2018 Asian Para Games sa Indonesai kung saan nag-uwi ang mga ito ng kabuuang 10 golds, 8 silvers at 11 bronze medals at tumanggap din ang mga para-athletes ng kabuuang P16.2 million bilang cash incentive.

Tumulong din ang PSC sa para-athletes community upang makatanggap sila ng patas na benepisyo na gaya ng tinatanggap ng mga regular athletes.

“Dahil sa ating grassroots development program at sa support ng PSC, lumawak po yung training pool ng ating coaches at naka-identify sila ng mga para-athletes para mapalakas ang national team,” Ayonkay CDM Diaz.

Kabuuang 250 para-athletes kasama na ang 80 opisyales ang magiging delegasyon ng bansa sa nalalapit na 2020 APG na tinatayang pinakamalaking delegasyon ng koponan.

Noong 2017 edition na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia, kabuuang 100 bilang ng delegasyon lamang ang ipinadala ng bansa, kasama na ang 80 para-athletes at 20 opisyales.

Tumapos ng ika-5 puwesto ang Pilipinas sa nasabing torneo kung saan nag-uwi ang mga para-athletes ng 69 medalya, kasama ang 20 golds, 20 silvers, at 29 na bronze.

Ayon kay Diaz, kayang malampasan ng koponan ngayonb ang nasabing standing sa Malaysia.

“Basta ang commitment natin, we will try to improve our last finish in the ASEAN Para Games. Kung maging no. 4 tayo, that’s an improvement already. Kung no. 3, mas maganda. So syempre, we will aspire for a podium finish.” ani Diaz.

Labing-anim na regular sports ang nakatakdang laruin sa naturang biennial meet kabilang na ang archery, athletics, badminton, boccia, bowling, chess, cycling, 7-a-side CP football, goalball, judo, powerlifting, sitting volleyball, swimming, table tennis, triathlon, wheelchair basketball; at ang isang demo sport na para obstacle course.

-Annie Abad