Sa unang pagkakataon sa loob ng 19 taon ay muling naghahanda ang bansa para maging host ng nalalapit na Asian Badminton Championships na gagawin sa bagong gawang Rizal Memorial Coliseum sa Pebrero 11 hanggang 16.

Hinati sa apat na grupo ang women’s at men’s team na sasabak sa nasabing torneo na lalahokan ng 12 bansa, kabilang ang Japan, Singapore, China, South Korea, India, Chinese Taipei, Thailand, Indonesia, Hongkong China, Kazakhstan, Malaysia at ang Pilipinas.

Kabilang sa Group Y ang Philippine women’s team kasama ang mga koponan ng Thailand at Indonesia, habang ang mens’ badminton team naman ay napabilang sa Group A, kasama ang Indonesia at India.

Ang mga koponan ay maglalaro ng single round robin sa preliminary phase kontra sa bawat isa, habang tatlong singles at dalawang doubles match ang lalaruin dito.

Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

Ang unang koponan na makakuha ng tatlong panalo sa ang may pagkakataon ma makalaro sa knockout round ng quarterfinals bago sasabak sa semis.

Ang makakapasok naman sa semifinals ng men’s event ay awtomatikong magakakron ng pagkakataon na makalaro sa Thomas Cup sa Denmark.

Samantala, tiwala naman si Philippine Badminton Association (PBA) president Congressman Alfredo Benites na may tsana ang mga Pinoy shuttlers sa nasabing labanan.

“Malaki ang tsansa natin, of course our players will be confidently playing with the home crowd. So I know they can do it,” pahayag ni Benitez.

Ang nasabing torneo ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at itinataguyod ng MVP Sports Foundation.

-Annie Abad