Isa si Andre Paras sa Viva artists na nakausap namin sa Viva 2020 thanksgiving dinner sa Novotel Manila in Araneta City. At natanong namin siya tungkol sa relasyon ngayon ng friends niyang sina James Reid at Nadine Lustre.

Andre _ nora

“I’m sad sa nangyayari sa kanilang relasyon, hindi ko sila nakakausap kaya I don’t want to comment on the issue,” sagot ni Andre. “Malaki po ang utang na loob ko sa kanila. Dahil kung hindi sa kanila, nang maisama kami ni Yassi (Pressman) sa movie nilang Diary ng Pangit, hindi po kami makikilala. I just hope na maayos ang lahat sa kanilang dalawa at ang problema rin ni Nadine sa Viva Artist Agency.”

Basketball fan din si Andre kaya hiningan siya kung ano ang feelings niya sa pagkamatay ni Kobe Bryant sa helicopter crash.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“It hurts me nang malaman ko ang nangyari. Big influence po sa akin si Kobe, hindi po lamang sa basketball, sa lahat ng sports. Lahat umiiyak sa nangyari sa kanya. My younger brother, si Kobe, ipinangalan after him ng Mom namin nang ipanganak siya in 1997. Nanghinayang lamang ako dahil hindi ko pa siya na-meet personally.”

Nilinaw din ni Andre na wala silang problema ng Mom niya tulad nang nasusulat ngayon. Kung hindi raw nakikita sa kanilang Instagram ang pictures nilang magkasama, desisyon nila iyon. Umiiwas daw lamang sila sa mga bashings. “But Mom is staying here na for good.”

Kahit busy si Andre sa mga projects niya sa GMANetwork, naka-graduate na rin siya sa AMAOnline Education ng Bachelor on English Studies. Hindi rin niya pinababayaan ang paglalaro ng basketball at member siya ng D’League team ng AMA.

Bukod sa gagawing movies ni Andre sa Viva Films, ang pinaghahandaan niya ay ang nalalapit na airing ng GMANetwork kanilang Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun.

“I’ll play the role of Dr. Ralph sa series at nasa medical team ako, kasama ko sina Jennylyn Mercado, Renz Fernandez, Chariz Solomon, Nicole Donesa and others. Excited na kaming lahat sa airing namin sa February 10, matagal naming pinaghandaan at nag-medical training po kami para sa seryeng ito,” patapos ni Andre.

-NORA V. CALDERON