SA March 14 na pala ang kasal nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na gaganapin sa Italy. Tinukoy na rin ang mother ni Sarah na hindi sigurado kung makakadalo sa kasal ng anak.

Sarah at Matteo

Matatandaan na sa mga naunang balita, panay blind item lang na may nanay ng isang sikat na celebrity na hindi dadalo sa kasal ng anak. Sa mga balita ngayon, binanggit na nanay ni Sarah ang laman ng mga blind item dati. Walang sinabing rason kung bakit hindi siya makakadalo o kung siya lang ang hindi makakadalo sa pamilya ni Sarah.

Sa nabasa naming reaction, marami ang pabor na hindi na nga dumalo si Mommy Divine Geronimo sa kasal ng anak para matuloy ang kasal. Baka raw pigilan nito ang kasal nina Matteo at Sarah kung nasa Italy siya at kung kailan, nasa harap na ng altar ang mga ikakasal.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May nag-comment pa na wala naman talagang balak dumalo si Mommy Divine sa kasal ng anak, although hindi niya tuwirang sinasabi dahil wala naman yatang nakapag-interview sa kanya.

Sa mga comment din, may nagsabing konting tiis na lang Sarah dahil kapag nakasal na sila ni Matteo, hindi na siya mapapakialaman ng mga magulang unless, hiningi ni Sarah ang tulong nila.

-Nitz Miralles