THANKFUL si Pambansang Bae Alden Richards sa tuluy-tuloy pa rin ang pagdating ng blessings sa kanya kaya naman kahit napapagod at napupuyat sa trabaho, nakangiti pa rin siya at nagpapasalamat.

Alden

Sa unang pagkakataon, tumanggap na ng wine endorsement si Alden, 28 years old na rin naman siya noong January 2, 2020. Lumabas noong Tuesday, ang photo ng bagong endorser ng iEmbassy Blended Whisky at kahit mga mata lamang ang nakalabas, kilalang-kilala pa ring si Alden Richards siya. Wala pang post kung kailan ang formal launch ng produkto.

Bukod sa bagong endorsement, tapos na rin siyang mag-shoot ng TVC ng isa pang bagong endorsement si Alden, na hindi pa pwedeng sabihin, at ngayong Wednesday, paalis siya for Bangkok, Thailand para sa ilang araw na TVC shoot ng isa pang product na siya ang bagong endorser.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pagbalik ni Alden ng Pilipinas, tuloy pa rin ang taping niya ng inspirational drama series niyang The Gift na sunud-sunod na ang pasabog na mga eksena dahil nasa last two weeks na lamang silang mapapanood sa primetime telebabad.

Thankful si Alden na bago siya umalis, since medyo maayos na ang Taal Volcano, nag-announce na ang mga managers niyang sina Gemma at Joray Sembrano na magri-resume na sila ng operations ng Concha’s Garden Cafe, Cliffhouse Tagaytay.

Babalik si Alden on time sa All-Out Sundays noontime variety show sa Sunday.

-NORA V. CALDERON