PARA kay Martin Del Rosario, winning an International Award for best leading male performance sa recent 24th Asian TV Award para sa TV series ng Cignal Born Beautiful is one of the proudest moments sa kanyang acting career.

Martin

Ni hindi nga ito pinansin or got nominated ng local Award Giving Bodies. Mabuti na lamang at dumalo siya sa Awards Night to personally receive the trophy.

“I was greatly surprise at kakaiba ang feeling dahil puro magagaling na Asian actors ang nominado. I was speechless ng tawagin ang pangalan ko.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ang role ay unang inalok kay Christian Bables but he turned it down sa pangamba marahil na ma-typecast. Si Martin ang naging second choice. Hindi nangangamba si Martin na baka matali siya sa ganitong uri ng role. In fact villain siya sa The Gift at galit ang maraming fans sa mga pahirap na ginagawa niya kay Alden Richards.

Samantala patapos na ang ‘The Gift’ na hindi na pwedeng ma-extend dahil sa pagpasok ng Descendants Of The Sun. Si Alden naman ay magiging busy sa new show Center Stage.

Kung matutuloy ang plano ay gagawa ng sequel ang Panti Sisters at muling bubuhayin ni Martin ang role as transwoman.

-REMY UMEREZ