NASULAT na kamakailan na ibinebenta na ni James Reid ang bahay niya sa isang mamahaling subdibisyon sa Quezon City kung saan doon nakatira ang pamilya niya at si Nadine Lustre noong nagsasama pa sila.

James

Sa pagkakaalam namin ay naka-loan ito sa Viva dahil sila ang nagbayad ng cash nu’ng bilhin ito ni James para sa kanyang pamilya at kay Nadine.

Kuwento ng aming source noong bagong bili ng aktor ang bahay niya, “sobrang mahal ng bahay na ‘yun dahil sosyal ‘yung village, magkano ang per square meter ng lupa roon? Kung baga mga rich and famous ang nakatira roon. Kaya tiyak na matatagalan bago mabayaran ni James ang loan niya sa Viva.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May limang taon na rin ang nakalilipas noong ikuwento ito sa amin ng aming source, baka naman bayad na kaya malakas na ang loob ni James na ibenta at kukuha na lang ng mas maliit o mas murang bahay?

O baka naman kaya minamadaling ibenta ng aktor ay para mabayaran na ang Viva sa balanse nito.

Mukhang windang ang JaDine sa mga desisyon nila sa pagpasok ng 2020? Sana maayos nila kung anuman ang pinagdadaanan nila ngayon, lalo na si James na alam naming breadwinner ng pamilya.

-Reggee Bonoan