PINOST nina Janno Gibbs at Manilyn Reynes ang photo nilang magkasama at ang nakakatuwa pa, kasama nila sa litrato si Bing Loyzaga. Sa caption ni Manilyn na “Abangan niyo po!” parang magkakasama sila sa Viva Films movie na una nang nabalita na reunion movie nina Janno at Manilyn.

Bing, Janno at Manilyn

Maalalang naging malaking isyu noon nang mabuntis ni Janno si Bing dahil ang alam ng marami ay si Manilyn ang girlfriend ni Janno. Kaya nagulat na lang ang lahat nang lumabas ang balitang preggy si Bing.

Ang tagal ding hindi nag-usap sina Janno at Manilyn at sina Manilyn at Bing, naunang maging okay sina Janno at Manilyn at nagkasama pa nga sa rom-com series ng GMA-7 na Meant to Be.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ngayon lang uli magsasama sa pelikula sina Janno at Manilyn at ang maganda pa, kasama pa nila si Bing. Masaya ito sa presscon dahil tiyak na mauurirat sa tatlo na minsan, nagkaroon sila ng love triangle sa totoong buhay.

-NITZ MIRALLES