DALAWANG araw pinasaya nina James Reid at Nadine Lustre ang kanilang fans dahil dalawang araw silang magkasama. Una silang nakita sa isang event sa Poblacion sa Makati City at nakunan ng video ang pagkikita nilang ‘yun.

Nadine at James kasama ng mga kaibigan

Nakita sa video na nag-beso ang dalawa at nang may puntahan si James, kasunod niya si Nadine. Buong gabi yata silang magkakasama.

The next day, magkasama pa rin sina James at Nadine na tinawag ni Lauren Reid (sister ni James) na “Pasta Night” na ang sabi ng fans, sa condo unit ni Nadine ginawa. Kaya kasama sa photo na pinost ni Lauren ang Corgi pet dog nina James at Nadine na si Calcifer na nasa pangangalaga ni Nadine ngayon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa second night na magkasama sina James at Nadine at sa picture na lumabas, napansin na hindi magkatabi sina James at Nadine. Dito raw malalamang break na nga ang dalawa, pero nanatiling magkaibigan.