HINDI itinanggi ni Alden Richards na naging close siya sa lahat nang kanyang The Gift co-stars, in pernes.

Alden

Aminado ang Asia’s Multimedia Star na naging malapit sa puso niya ang mga co-stars sa GMA primetime series na The Gift.

Bukod daw sa masaya ang atmosphere sa set tuwing taping, naging close at pamilya na ang kanilang turingan sa isa’t isa kaya siguradong mami-miss niya ang kanilang samahan.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“In the past five years, this is my longest teleserye to date. Siyempre mami-miss ko ang set, ang lahat ng nakasama ko dito as in buong cast and production crew and staff.

“Ang sigurado sa amin, kahit matapos ang show, babaunin namin yung relationship na nabuo dito, hindi siya magtatapos sa teleserye,” lahad pa ng The Gift lead actor.

Huling dalawang linggo na lamang ang natitira bago ang pagtatapos ng inspiring GMA Telebabad series na The Gift kaya tutok lang sa mga susunod ng natitira pang episodes ng nasabing teleserye.

-Mercy Lejarde