NINE years in a relationship at five years sa relasyon ay engaged sina Mikael Daez at Megan Young bago sila nagpakasal last Saturday sa Subic. Kumbaga, kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, kaya tiyak ang pamilya ng dalawang ito at ang mga bagong kasal na walang hiwalayang mangyayari.

Mikael at Meghan

Napuri rin sina Mikael at Megan sa pagiging low-key mula noong may relasyon sila, wala ngang bonggang marriage proposal, prenup pictorial at pati nga wedding, simple at tahimik. Pinansin din ng netizens na wala silang pa ek-ek na hashtag na pinauso ng celebrities na ikinakasal, altho’ wala namang masama roon.

Wala ring media coverage at wedding ng dalawa at wala ngang coverage ng GMA-7, pero dahil daw ito sa exclusive ng Metro Magazine ang coverage ng two weddings. Yes, two weddings dahil dalawang beses ikinasal sina Mikael at Megan na puro pamilya lang nila at close friends ang present.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Una silang ikinasal noong January 10 sa Caleruega church sa Nasugbu, Batangas, bago sumabog noong Jan. 12, ang Taal volcano. Ang second wedding nila ay last Saturday nga, Jan. 25 sa San Roque chapel sa Subic, ang lugar nina Megan.

Samantala, tuloy ang showbiz career ng dalawa, altho’ sa ngayon, si Mikael palang ang may bagong teleserye sa GMA-7 at malapit nang umere ang Love of My Life kung saan, kasama niya sina Carla Abellana, Rhian Ramos at Coney Reyes.

-Nitz Miralles