PHILADELPHIA (AP) — Sa harap ng nagbubunying kababayan, nilagpasan ni LeBron James ang kasaysayan ng isa sa pinakamahal na anak ng ng Philadelphia – Kobe Bryant – sa 108-91 kabiguan ng Los Angeles Lakers kontra sa Sixers nitong Sabado (Linggo sa Manila).

SINAGASAAN ni Los Angeles Lakers forward LeBron James ang depensa ng Philadelphia 76ers para sa krusyal na puntos na nagbigay sa kanya ng bentahe lagpasan si Kobe Bryant sa NO.3 all-scoring leader sa NBA. (AP)

SINAGASAAN ni Los Angeles Lakers forward LeBron James ang depensa ng Philadelphia 76ers para sa krusyal na puntos na nagbigay sa kanya ng bentahe lagpasan si Kobe Bryant sa NO.3 all-scoring leader sa NBA. (AP)

Hataw ang four-time MVP sa naiskor na 29 puntos, kabilang ang jumper may 7:23 ang nalalabi sa third period para pormal na lagpasan ang scoring mark ni Bryant para sa No.3 slots sa NBA list.

Nakapagtala si James ng 33,655 para mahigitan si Bryant na nagretiro tangan ang career scoring mark na 33,643.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

“Continuing to move the game forward @KingJames. Much respect my brother #33644,” pahayag ni Bryant sa kanyang Twitter.

Nagbigay galangnaman si James sa Philadelphia crowd na tumugon ng palakpakan at hiyawan matapos isapubliko ang nagawa ni James sa career ni Bryant na ipinanganal sa Philadelphia.

Nagsimula ang laro na tangan ng 35-anyos na si James ang 25.2 ppg sa ika-16 sunod na season. Nangunguna si Kareem Abdul-Jabbar sa NBA’s career scoring na may 38,387 puntos, kasunod si Karl Malone na may 36,928. Kung walang negatibong kaganapan, posibleng malagpasan ni James si Abdul-Jabbar sa susunod na tatlong season.

Sa kabilang ng mahika ni James at 31 puntos ni Anthony Davis, nabigo silang sandigan ang Lakers.

Hataw si Ben Simmons sa naiskor na 29 puntos at 10 rebounds, habang kumana si Tobias Harris ng 29 puntos.

THUNDER 113, WOLVES 104

Sa Minneapolis, ginapi ng Oklahoma City, sa pangunguna nina Dennis Schroder na may 26 puntos at Chris Paul na may 25 puntos, ang Minnesota Timberwolves.

Nag-ambag si Karl-Anthony Towns ng 37 puntos para sa Timberwolves.

Nanguna si Andrew Wiggins sa Minnesota na may 22 puntos, habang kumabig si Shabazz Napier ng first-career triple-double -- 10 points, 13 assists and 10 rebounds.

NETS 121, PISTONS 111(OT)

Sa Detroit, hataw si Kyrie Irving sa naiskor na 45 puntos para sandigan ang Brooklyn Nets kontra Detroit Pistons sa overtime.

“It was about time,” sambit ni Irving.

May tsansa ang Nets na kunina ng panalo sa regulation ngunit sumablay ang three-pointer ni Irving sa buzzer.

“We worked really hard, but it came down to a couple possessions at the end of regulation,” sambit ni Detroit coach Dwane Casey. “I thought we ran out of gas a little in overtime.”

BULLS 118, CAVS 106

Sa Cleveland, ratsada si Zach LaVine sa naiskor na 44 puntos sa panalo ng Chicago Bulls sa Cavaliers.

Nag-ambag si Tomas Satoransky ng 19 puntos sa Bulls.

Nanguna si Kevin Love sa Cleveland namay 20 puntos at 11 rebounds.